Tungkol sa aking pagpili ng strand na S.M.A.W
Alam nyo ba ang pagwewelding ay isang mahalagang bagay na trabaho na kung saan nakatutulong ito sa pag-unlag ng isang bansa,pero nakabasi ito kung papaano ito pinapahalagahan.Naing-gnayo ako sa pamamaraang ito o sa pagwewelding dahil may kapitbahay kaming may shop.Kapag dumadaan ako sa shop ay napapahinto ako kapag ang may-ari ay nagwewelding dahil nakaka-inganyo ang ilaw nito na nanggagaling sa electrode at habang tumitingin ako,dito ako nakikita kung papaano dumisenyo ng gate at grills na nakakaingganyo sa paningin,dahil hindi lang pala pagdidikit ng bakal ang pagwewelding kundi kailangan rin pala ito ng imahenasyon at upang makagawa ng mga bagay na magagara.kaya ang grade 9 ako hindi ako nagdalawang isip na kunin ang specialization na S.M.A.W. upang matuto at mag-umpisa kung paano ang mga paraan ng isang welder.nung nag"hands-on" na kami,ako ay sobrang nahirapan at kabado dahil unang-una sa lahat ito ay kuryente,sobra akong nahirapan dahil hindi ko pa alam kung ano ang tamang gagawin,sobranghirap talaga.Kapag ikaw ay tumitingin sa nagwewelding ay akala mo ay madali lang,pero kung ikaw ang nagtatrabaho o nagwewelding ay sobrang napakahirap.Ang pagpili ng "career path" ay napakastressful o napakagulo at mahirap na sitwasyon dahil kailangan mong pag-isipang mabuti upang sa gayon ay naangkop ang magiging trabaho para sa iyong sarili,gusto mo rin kasing may marangal at desenting trabaho at lalo ang magkaroon ng na gastusin pero,isipin mo? Ang pagpili ng Career na welding ang malaking oportunidad sa iyo,hindi lang sa oportunidad sa welding kundi sa lahat ng trabaho."A career in welding starts with (piping and welding Apprentice School".Kailangan mo talagang pag-aralan o mag-aral tungkol sa welding bago mo ito simolan dahil kailangan mo talagang malaman ang lahat ng impormasyon tungkol sa iyong pipiliing "Career",lalo na ang pagwewelding dahil "wala pang taong nagtagumpay sa walang nalalaman,natutunan at pinagdaan sa buhay.
Ang pagkakatulad ng pagwewelding sa ating buhay ang naging pundasyon ko, upang pagbutihin ko pa ang pag-aaral ng kursong SMAW.Sa kursong ito maipapakita mo ang magagawa mo o di kaya ay kung ano kaya mong gawin,sa kursong ito kahit na ikaw ay hindi nakapagtapos ng sekondarya o di kaya ay kolehiyo kung ikaw ay may kaalaman sa pagwewelding,maaari kang mag-aral sa TESDA upang madagdagan pa ang iyong kaalaman sa pagwewelding at makapaghanap ka ng maayos na trabaho sa loob o labas ng bansa.Mas matimbang kasi sa isang tao kapag siya may kaalaman at siya ay may kakayahan na gawin ang mga bagay-bagay o kung tawagin ay pagkukumpuni ng mga bagay.Kaya ang pagiging welder ay isang pangkalahatang gawain.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento